Home » News » News Roundup » P200K reward para sa pumatay sa dating barangay chief

P200K reward para sa pumatay sa dating barangay chief

Magbibigay si Valenzuela Mayor Rexlon “Rex” Gatchalian ng P200,000 pabuya sa sinumang makapagtuturo sa taong pumatay sa dating chairman ng Barangay Parada na si Marcelo De Guzman.

Si De Guzman ay pinatay ng isang di kilalang lalaki noong Hulyo 15. Ayon kay Chef Inspector Rhorick Juan, ang biktima ay kapatid ng dating mayor na si Santiago “Santi” De Guzman.

Nakatatlong termino si De Guzman bilang barangay captain ng Parada bago siya nagserbisyo bilang barangay secretary.

Ni-release na rin ng pulisya ang computer-generated artist sketch ng salarin base sa testimonya ng isang testigo na nakakita sa mukha ng pumatay kay De Guzman.

Ayon kay Juan, ang sinumang may nalalaman tungkol sa kinalalagyan ng salarin ay maaring tumawag sa Valenzuela Police sa numerong 352 4000.

Hindi dapat matakot ang mga magsusumbong dahil mananatiling sekreto ang kanilang pangalan. (Jel Santos)

comments