Home » News » News Roundup » 2 drug pushers dedo sa police

2 drug pushers dedo sa police

Dalawang hinihinalang drug pushers ang napatay ng pulis habang isang 35-gulang na babae ang naaresto sa magkakahiwalay na anti-drugs operations sa Maynila, ayon sa police report kahapon.

Isa sa mga napatay ay nakilalang si Eric Caliclic, 37, residente ng Muelle Dela Industria St., Binondo, Manila.

Dinakip naman ang kanyang live-in partner si Violy Canete, 35.

Nakipagbarilan umano si Caliclic sa mga pulis matapos na masakote ang mag-partner sa isang buy-bust operation sa Delpan Bridge bandang 6:30 p.m., Miyerkules, ayon kay Supt. Amante Baraquiel Daro, Meisic Police Station commander.

Nakumpiska sa dalawa ang .38-caliber revolver, limang sachet ng shabu, drug paraphernalia at marked money na ginamit sa drug bust.

Kasalukuyang namang inaalam pa ng pulisya ang pangalan ng isang lalaking napatay nang tangkain niyang barilin ang isang pulis na umaktong buyer ng shabu sa entrapment operation sa Tondo, Manila, kahapon.

Naganap ang insidente sa harap ng Building 1633 sa kanto ng Quricada at Bambang Streets bandang 1:50 p.m. Na-recover sa napatay na suspek ang isang 9mm pistol, at anim na sachet ng shabu. (Analou de Vera)

comments