Home » News » News Roundup » 2 ‘tulak’ natagpuang patay

2 ‘tulak’ natagpuang patay

Dalawang bangkay ng lalaki na may mga tama ng bala ang natagpuan noong Miyerkules sa Pasay City. Na-recover sa tabi ng kanilang katawan ang isang piraso ng papel na may nakasulat na “Tulak ako, wag tularan”.

Ayon kay Chief Inspector Rolando Baula ng Pasay City Station Investigation and Detective Management Branch, ang mga biktima ay nakilalang sina Ernesto Galvez alias “Ernie”, 41, ng Upper Nomads St., Brgy. 201, Merville, Pasay; at Dindo Panistante, 36, ng No. 112 Buensuceso Homes, Parañaque.

Nakadapa at naliligo sa sariling dugo ang dalawang biktima nang makita ng barangay tanod na si Vincent Uy sa Armstong Street, Merville Access Road bandang 8:40 p.m. Na-recover ng mga imbestigador sa lugar ang limang piraso ng basyo ng bala mula sa .45-caliber pistol at isang white bond paper kung saan sinasabing ang dalawang biktima ay drug pusher. (Martin Sadongdong)

comments