Home » News » News Roundup » New Roundup » Regional » 4 natagpuang patay

4 natagpuang patay

LINGAYEN, Pangasinan – Natagpuang patay ang dalawang hindi kilalang kalalakihan sa magkaibang lugar, sa MRSD Traing malapit sa Boundary Arch of Lucao Dist., Dagupan City at Binmaley, Pangasinan.

Inilarawan ang biktima na may taas na 5’6’’, katamtamang laki ng katawan, maputi, nakasuot ng orange na jersey at berdeng sando na may nakasulat na Manois number 12 at nakasuot ng tsinelas, samantalang ang isa naman ay may tattoo sa kaliwang braso na may taas na 5’4’’, katamtaman ang laki ng katawan, nakasuot ng gray t-shirt at gray cargo short at tsinelas.

May tama ng bala sa ulo ang dalawang biktima at may coupon bond na nakalagay sa dibdib, na may nakasulat na “wag tularan/mamamatay tao ako susunod na kayo DDS”.

Natagpuan din sa parehong araw ang biktimang nagngangalang Julius Rabina, 18 taong gulang na estudyante, nakatira sa PNR Site, Tebeng District, Dagupan City, na may tama ng baril sa ilalim ng kili-kili, 7:30 ng umaga.

Isa pang bangkay ng babae ang natagpuan dakong 6:14 ng umaga sa Binalonan, Pangasinan, inilarawan na nasa 30-35 taong gulang, nakasuot ng yellow t-shirt, violet sweat shirt, blue short pants, purselas sa kaliwang kamay at singsing sa kanang palasingsingan, may tama ng baril sa likuran at kaliwang paa, at may karton na nakasulat na “tulak ako wag tularan”. (Liezl Basa Iñigo)

comments