Home » News » News Roundup » New Roundup » Regional » 4 tiklo sa police operation

4 tiklo sa police operation

CAMP GENERAL ALEJO SANTOS, Bulacan – Sa pagpapatuloy ng pagsugpo ng Philippine National Police sa proseso ng illegal na droga sa bansa, tatlong hinihinalang pusher ng droga at isang motonapper ang napatay, at dalawa naman ang naaresto sa magkahiwalay na drug buy bust operation na isinagawa ng Bulacan Police, Martes ng gabi hanggang Miyerkules ng umaga.

Kinilala ni Senior Supt. Romeo M. Caramat Jr., acting Bulacan police director, ang dalawang napatay na lalaki na sina Cecilio San Juan Elardo, 29, at Joel Duran. Ang dalawang suspek na napatay sa gunbattle sa San Jose Del Monte City ay hindi pa rin kilala, samantalang ang naarestong suspek naman ay kinilalang sina Amado Geronimo Tizon, 39, nakatira sa Brgy. Sta. Rosa 1, at Pedro dela Cruz San Jose, 53, barker, Brgy. Loma de Gato.

Isinagawa ng Drugs Enforcement Unit (DEU) ang buy-bust operation kung saan natunugan ni Elardo ang operasyon kaya agad itong pumasok sa bahay at pinaputukan ang pulisya, sanhi ng kanyang pagkamatay at pagkahuli nina Tizon at San Jose, narekober sa operasyon ang 4 na pakete ng hinihinalang shabu, cal. 38 revolver na walang serial number, 2 prent shell ng cal. 38, 3 live ammos ng cal. 38 at P500 buy-bust money.

Natamaan sa dibdib si PO2 Michael Bernejo, na gumanap bilang buyer ng droga, ngunit sa kabutihang-palad ay nakasuot ito ng bullet proof vest. (Freddie Velez)

comments