Home » News » News Roundup » New Roundup » ASG member arestado

ASG member arestado

Naaresto ng pulisya at awtoridad ang isang miyembro ng Abu Sayyaf Group na may hinaharap na pitong kaso kasama ang kidnapping at massacre.

Kinilala ng pulisya ang miyembro na si Adduri Aslain Suari bilang Titing Alpha, may asawa at residente ng Barangay Binuangan, Isabela City, Basilan Province.

Kahaharapin ni Suari, na naaresto ng 9 ng umaga noong Lunes, ang pitong kaso ng criminal cases na kidnapping, serious illegal drug detention, at massacre sa Basilan at Ipil, Sibugay Province.

Ayon sa report ng pulisya, sangkot ang suspek sa Tairan Golden Harvest kidnapping noong 2001, Ipil massacre noong 1995, at Al-Barka massacre noong 2007, kinilala siya ng mga biktima ng kidnapping sa Tairan.

Ilalabas ni Judge Leo Jay T. Prinsipe, Presiding Judge of branch 1, RTC, 9th Judicial Region, Isablea City, Basilan province, ang warrant of arrest ni Suari. (Nonoy Lacson)

comments