Home » News » News Roundup » New Roundup » Featured » Buboy Villar ikakasal na

Buboy Villar ikakasal na

Buboy Villar

SO, naipakilala na ni Luis Manzano sa kanyang mommy (Rep. Vilma Santos-Recto) si Jessy Mendiola. Lumabas sa social media ang picture na magkasama ang actress-politician at si Jessy. Kahit wala pang pag-amin mula kina Luis at Jessy na officially together na sila, people in the know ay nagsasabing hindi na kailangan ito dahil obvious namang may something special nang namamagitan between them.

May mga nagtatanong, saan, kailan at ano’ng okasyon daw kaya nagkita sina Rep. Vilma at Jessy?

Eh, sa daddy Edu Manzano kaya ni Luis, naipakilala na niya si Jessy? Tawagin din kayang “anak” ni Edu si Jessy, gaya kay Angel Locsin? Pinasalubungan pa ni Edu si Angel ng souvenir ref magnet noong nanggaling siya sa New York.

Nagmuni-muni

Kung nagkataon palang nakasama si Aljur Abrenica sa cast ng “Encantadia” ay magkakatrabaho sana sila ng ex-girlfriend niyang si Kylie Padilla. Noong together pa sila, pareho nilang inasam na magkasama sila sa isang TV project ng GMA7.

Bagay sana kay Aljur ang role bilang Ybarro na napunta kay Ruru Madrid. Anang huli, akala nga niya’y si Aljur ang gaganap sa karakter na napunta sa kanya.

Ibang project ang ibinigay kay Aljur ang “Once Again.” Ani Aljur, maraming blessings ang naibigay sa kanya ng primetime series na ito ng Kapuso Network. Marami siyang memorable experiences sa pakikipagtrabaho sa kanyang co-stars.

Ayon pa kay Aljur, nagkaroon siya ng pagkakataong makapagmuni-muni noong nag-taping sila sa Taal, Batangas. Pag-amin ng hunk actor, may mga bagay-bagay na gumugulo sa kanyang isipan. Humingi siya ng guidance at nag-wish siyang maging successful ang comeback project niya sa GMA matapos pansamantalang ma-freeze ang kanyang career dahil sa naging “gusot” nila ng management.

Magpapakasal na

Paboritong child star noon ni Marian Rivera si Buboy Villar at nagkasama sila sa ilang teleseryeng pinagbidahan noon ni Marian sa GMA.

How time flies! Binata na ngayon si Buboy, 18 years old na at may fiancee’ na. Same age sila ng kanyang American fiancee’ na Angillin Gorens ang name at magpapakasal na sila next year, ayon kay Buboy noong nakausap ng entertainment writers sa presscon ng “Encantadia.”

Kasama rin dito si Marian na gumaganap bilang Ynang Reyna Mine-a. Wantuk naman ang pangalan ng karakter ni Buboy.

Thankful ang buong cast dahil bukod sa magandang rating (26.1%) noong pilot episode na naitala ng Nielsen TV Audience Measurement sa Urban Luzon, nag-nationwide at worldwide trending ang “Encantadia.”

Mamaya sa “Encantadia,” makikilala ni Raquim (Dingdong Dantes) si Jigs (John Feir) na tutulungan siyang magsimula ng bagong buhay bilang isang tao. Sa sumbong ni Gurna (Vaness del Moral) kay Hagorn (John Arcilla), malalaman ng mga Hathor na si Raquim ang tumawid patungong mundo ng mga tao. Makikita ni Gurna si Ynang Reyna Mine-a galing lagusan at isusumbong niya ito kay Hagorn.

May govt. position din

Bukod kina Arnell Ignacio, Jimmy Bondoc at Freddie Aguilar, ’heard na diumano’y itatalaga rin ni President Rodrigo Duterte si Phillip Salvador para pamahalaan ang isang sangay ng gobyerno.

Ayaw pa lang daw pangunahan ni Phillip kung ano ’yun at hinihintay niya ang formal announcement mula sa mga kinauukulan.

Si Robin Padilla ay nagpahayag na ayaw niyang magkaroon ng posisyon sa gobyerno at sapat na ’yung sinusuportahan niya ang Duterte administration.

Sinu-sino pa kayang showbiz personalities ang magkakaroon ng posisyon sa gobyerno ng ating bagong pangulo?

comments