Home » Sports » Atomicseventynine wins

Atomicseventynine wins

Tinalo ng 2nd choice Atomicseventynine ang top favorite Holly Bear sa tampok na P500,000 PHILRACOM- sponsored “4th Leg Imported /Local Challenge Race’’ last Saturday at the Santa Ana Park to win the top prize of P300,000 for owner J.C. Dyhenco.

Ridden by A.P. Asuncion, Atomicseventynine registered a time of 1 minute and 59 seconds with fraction times of 19-24’-23’-27’ for the 1,900-meter journey.

Sumegundo rito 2 1/2 lengths behind ay ang top bet Holly Bear kasunod na Eugene at Our Angel’s na nagkamit ng P112,500, P62,500 at P25,000, ayon sa pagkakasunud- sunod.

Sa “PPP Racing Cup’’ naman for the benefit of the PRESS Photograpers of the Philippines, nagempate ang mga kalahok na Jalapeno at Show Off upang paghatian ang guaranteed prize of P180,000 to the owner

Ang set ng WTA covering Races 1-to7 ay nagbigay ng P23,313 at ang 1st set nito (R5-11) ay may premyo namang P18,041.20

Speaking of “deadhits’’, ayon sa mga experts, there is no such thing at naniniwala ako dahil wala pang nagdeadeat sa larong “swimming na nagkakatalo by tapping of the hand.

Kaya lang sa larong karera (horseracing at iba pa) wala pa tayong aparato na makukuha ang fraction of a milimeter kaya the safest way to judge it is to declare it a deadheat.

Dahil sa masungit na panahon, kanselado ang last 6 Races at Santa Ana Park noong Thursday.

Sa mga may nabili nang mga tickets, makakabuting huwag muna itong itatapon at hintayin na muna ang ipapahayag ng mga opisyal ng Santa Ana Park.

Isinulat ko ito ng madaling araw ng kahapon kaya wala muna tayong ABC selection tips, dahil may mahalagang lakad ang buong pamilya.

So there…. Good Luck and see you guys at our usual Samson’s Billiard OTB at Saint Joseph and/or at Obel dela Paz Momay’s Carinderia OTB at Marick, Cainta. Good Luck!!! (JOHNNY DECENA)

comments