Home » News » News Roundup » Drug pusher dedo sa shootout

Drug pusher dedo sa shootout

Isa na namang hinihinalang tulak ng droga ang napatay ng mga pulis sa isang anti-drugs operation sa Paco, Manila, Huwebes ng gabi.

Kinilala ni SPO3 Milbert Balinggan, may hawak ng kaso, ang napatay na suspek na si Daniel Redota, 40. Base sa police report, dead on the spot si Redota makaraang makipagbarilan sa anti-drugs operatives ng Pandacan police.

Naganap ang shootout matapos na makapagbenta ng shabu sa isang police poseur-buyer sa loob ng kanyang barong-barong sa PNR Compound na matatagpuan sa likuran ng Corcordia College bandang 10:30 p.m., Huwebes.

Na-recover kay Redota ang isang .38-caliber revolver na kargado ng bala, dalawang sachet ng shabu, at isang clutch bag na naglalaman ng P1,140. (Analou de Vera)

comments