Home » News » News Roundup » New Roundup » Regional » Mag-asawang rebelde sumuko

Mag-asawang rebelde sumuko

NEGROS ORIENTAL – Sumuko ang mag-asawang rebelde na miyembro umano ng New People’s Army (NPA) sa Guihulngan City, Negros Oriental.

Kinilala ni Lt. Col. Eugene Badua, commander of the Philippine Army’s 11th Infantry Battalion (11 IB) ang mag-asawang rebelde na sina Jornie Villacanao Lacio alias “Tortor” at Jona Balasbas Lacio alias “Rose”.

Boluntaryong sumuko ang mag-asawa noong July 20 matapos ang halos 15 taon na pagiging high-ranking NPA officials sa Central Negros.

Si Jornie ay isa umanong dating finance logistic officer at commanding officer habang ang asawa nito ay nagsilbing sekretarya.

Ayon kay Badua nais na ng mag-asawa na mamuhay ng mapayapa at umiwas na sa puwersa na may intension na atakihin ang gobyerno. (Edith B. Colmo)

comments