Home » News » News Roundup » New Roundup » Regional » Truck sunog sa aksidente

Truck sunog sa aksidente

CAMARINES NORTE – Natupok ang isang truck na nagde-deliver ng softdrinks sa kahabaan ng Maharlika Highway, Purok 3, Brgy. Tuaca, Basud town.

Base sa imbestigasyon, binabaybay ng truck ang highway na minamaneho ni Henry Sarical Pajarin nang biglang sumabog ang kaliwang gulong sa likod.

Ito naman umano ang naging dahilan para magkaroon ng spark sa likod ng truck na nagdulot na ng apoy hanggang sa lumaki ito.

Agad na rumesponde ang joint personnel ng Basud MPS at Bureau of Fire Protection ng Basud. Ang nasabing Isuzu truck, may plate number na AWA 4776, ay nakarehistro sa RK Mahal Trucking na pagmamay-ari naman ng isang Ryan Teng.
(Ruel Saldico)

comments