Home » Entertainment » Willie gifts Buboy, GF free US vacation

Willie gifts Buboy, GF free US vacation

Willie Revillame

DAHIL sa tuwa ng “Wowowin” TV host na si Willie Revillame sa dating child actor na si Buboy Villar, may magandang sorpresa ito rito at sa kanyang American fiancee na si Angillyn Serrano Gorens.

Noong mag-guest si Buboy sa “Wowowin,” naglaro ito sa “Willie of Fortune” segment at umabot ito sa jackpot round.

Sa naturang segment, hiningan ni Willie si Buboy ng mensahe para sa fiancee at hindi nito napigilang maluha.

Panimula ni Buboy: “Sinabi ko sa sarili ko nu’n na ‘pag etong babaeng ’to naging akin… kasi loko-loko talaga ako, Kuya Wil, sa totoo lang.

“Loko-loko ako, pero bibitawan ko lahat para lang sa kanya.

“Bibitawan ko lahat ng kalokohan, mapasaya lang siya.

“Sa totoo lang, eto, live-in po kami. Nag-propose po ako sa kanya, sinabi ko na siya na.

“Oo, sabihin man sa akin ng panahon na hindi pero gusto ko siya. Siya talaga. ’Yun lang ’yung laging isinisigaw ko.

Etong babaeng ’to, mahal na mahal ko ’to!”

Sobrang humanga si Willie sa pagmamahal ni Buboy sa kanyang fiancee. Kaya sagot na ng TV host ang pamasahe nina Buboy at Angie kapag nagpakasal sila sa Amerika next year.

First time lang ma-meet ni Willie si Buboy noong araw na iyon, pero natuwa siya rito dahil genuine ang pagmamahal nito sa kanyang fiancee.

“Hindi kita kilala, Buboy, pero natutuwa ako sa ’yo.

“’Eto gift ko sa inyo, pumunta kayo ng Amerika, ako bibili ng ticket n’yo.

“Hindi lang ’yun, first-class na ticket, sa first class kayo.

“Magbakasyon ka, mag-Hong Kong muna kayo. Ako bahala sa hotel, ako bahala, bibigyan ko kayo ng pocket money,” pangako pa ni Willie.

Mas lalong naiyak si Buboy dahil sa pinaramdam na suporta na iyon ni Willie.

Noong nakaraang June 15 ay nag-propose si Buboy kay Angie noong bumalik ito ng Pilipinas pagkatapos nitong mag-turn 18 years old.

Sa bahay ng “Encantadia” star sa Quezon City naganap ang proposal with matching flowers and balloons.
(RUEL J. MENDOZA)

comments