Home » Sports » Blu Girls taob sa US, 11-0

Blu Girls taob sa US, 11-0

Nalasap ng Philippine women’s softball team o mas kilala bilang Blu Girls ang ikatlong sunod nitong kabiguan sa loob ng apat n laro sa ginaganap na 15th World Women’s Softball Championship 2016 championship round laban sa Estados Unidos sa Softball City 1 sa Surrey, British Columbia Canada.

Hindi man lamang nakaiskor ang Blu Girls sa loob ng pitong inning upang malasap ang 0-11 kabiguan kontra sa isa sa powerhouse softball team na US.

Bago malasap ang kabiguan sa Osaka 1970 WWSC bronze winner Blu Girls sa tinanghal na 9-time champion na US ay nauna nang nabigo ang mga Pilipina sa two-time silver medalist China, 1-7, at sa dating kampeon na Australia, 1-11 para sumala sa 10-team Group 2 championship round.

Nagawang pumalo ng mga Pinay clouters ng 2-1 panalo-talong karta sa group stage play sa Group B kung saan naungusan nito ang Czech Republic, 1-0, bago nakakuha ng forfeiture sa Pakistan. Gayunman nabigo ito kontra sa Netherlands, 2-7, sa 31-bansa, 10 araw na kompetisyon na matatapos sa Hulyo 24. (Angie Oredo)

comments