Home » News » News Roundup » New Roundup » Regional » Lolo aksidenteng nalunod

Lolo aksidenteng nalunod

CAMP JUAN, Ilocos Norte – Patay ang isang 79-year-old matapos aksidenteng mahulog ito sa isang deep well. Ayon kay Ilocos Norte police provincial office spokesperson Chief Inspector Dexter Corpuz, narekober ang bangkay ng biktima na si Vicente U. Aguinaldo isang umaga kamakailan malapit sa kaniyang tahanan.

Ayon sa mga kasama ni Aguinaldo sa kaniyang tahanan, madalas nang ginagawa ng biktima ang bumisita sa kaniyang farm sa hapon.

Ayon pa sa pulisya, itinakbo ng rescuers ang biktima sa Bangui District Hospital kung saan ito idineklarang dead on arrival. Nakatulong naman ang naiwang payong ng biktima na malapit sa deep well para makita ang bangkay nito. (Freddie G. Lazaro)

comments