Home » News » News Roundup » New Roundup » Regional » NBI offices itataguyod sa Bataan

NBI offices itataguyod sa Bataan

CAPITOL, Bataan – Dalawang satellite offices ng National Bureau of Investigation (NBI) ang nakatakdang itayo dito.

Ayon kay Bataan Governor Abet S. Garcia, malaking tulong ang nasabing mga opisina dahil magdudulot ito ng mas mabilis na serbisyo ng clearances para sa mga jobseekers ng Authority of Freeport Area of Bataan (AFAB) bukod pa sa ibang NBI dealings ng provincial government.

Ani Garcia, nakikipag-usap na ang kanilang mga tauhan na madaliin ang pagtaguyod ng naturang mga opisina dahil dumadami na ang bilang nga mga aplikante ng galing sa iba’t ibang probinsiya na nag-aaply sa mga industrial at commercial firms sa mga economic zones at tourism enterprise ng kanilang lugar.

Dagdag pa ni Garcia, patuloy din ang pagpasok ng investors sa manufacturing, commercial at business process outsourcing, dahilan para tumaas ang job opportunities sa probinsiya. (Mario Supnad)

comments