Home » News » News Roundup » Umano’y drug pusher binaril

Umano’y drug pusher binaril

Patay ang isang hinhinalang drug pusher pagkatapos pagbabarilin habang nakatayo sa harap ng isang ospital sa Caloocan City kahapon.

Kinilala ng mga pulis ang biktima na si Hernie “Balong” Feliciano, 29, isang jeepney barker at residente ng Barangay 86, Caloocan.

Ayon sa imbestigasyon, nakatayo ang biktima sa harap ng Manila Central University Hospital ng dumating ang mga lalaking sakay ng motorsiklo at pinagbabaril si Feliciano na kaagad nitong ikinamatay.

Tumakas at nagiwan ng cardboard na may nakasulat na “PUSHER AKO WAG TULARAN” malapit sa bangkay ng biktima ang mga suspect na nakasuot ng bonnets, itim na T-shirts, at denim pants.

Narekober malapit sa bangkay ng biktima ang mga basyo ng bala at hinihinalang shabu sa kanyang bulsa. Samantala, patay ang isang hinihinalang drug pusher at magnanakaw sa bus na bumibiyahe sa EDSA pagkatapos manlaban sa mga pulis sa isang buy bust operation kahapon sa Mandaluyong City.

Kinilala ang suspek na si Jesus “Chit” Ecleo, walang trabaho, at residente ng Calbayog St., Highway Hills, Mandaluyong. (Jel Santos and Jenny F. Manongdo)

comments