Home » News » News Roundup » New Roundup » Metro News » Dagdag na benepisyo sa mga tanod

Dagdag na benepisyo sa mga tanod

Iminungkahi ni Senator Panfilo “Ping” Lacson ang pagbibigay ng karagdagaan benepisyo sa mga barangay tanod na sinusuong ang panganib mapanatili lamang na ligtas sa anumang krimen ang kanilang komunidad.

Ipinanukala ni Lacson ang Senate Bill No. 255 na naglalayong bigyan ng karagdagang benepisyo kasama tulad ng Christmas bonus ang mga barangay tanod na nakapagserbisyo ng kahit isang taon sa barangay government.

Napansin ng senador na karamihan sa mga tanod ay civilian volunteers na nagpapatrol sa mga barangay na armado lamang ng night sticks. (Hannah L. Torregoza)

comments