Home » News » News Roundup » New Roundup » Regional » P1M halaga ng marijuana nasabat

P1M halaga ng marijuana nasabat

CAMP DANGWA,Benguet – Limang bloke ng marijuana na tinatayang aabot ng P1 milyon ang halaga ang nasabat ng police checkpoint nang harangin at inspeksyunin ang dalawang lalaki na sakay ng kanilang motorsiklo sa Kapangan town.

Ayon kay provincial police director Senior Supt. Florante Camuyot, walang maipakitang lisensiya si Romy Perez Balangaen, 20-anyos, nang harangin at inspeksyunin ang kaniyang black Kawasaki motorcycle na may plate no. OL 3498 kasama si back rider Roland (hindi tunay na pangalan), 17-anyos.

Dito na nakita ang limang bloke ng marijuana sa bagahe ng dalawa, dalawa dito ay nakatago kay Benglaen habang ang tatlo ay dala-dala ni Roland.

Sa imbentaryo ng pulisya na nasaksihan ni Atty. Jerome Diclas ng Public Attorney’s Office (PAO) at mga barangay officials, aabot ang street value ng kontrabando sa P1,171.300.00. (Zaldy Comanda)

comments