Home » News » News Roundup » New Roundup » Regional » Senior ASG leader nakalusot

Senior ASG leader nakalusot

ZAMBOANGA CITY – Nakalusot sa isang military dragnet ang isang mataas na opisyal ng Abu Sayyaf Group (ASG) sampu ng kasamahan nito sa Basilan province.

Ayon kay dating Tipo-Tipo mayor Joel Maturan, nakaalpas si senior ASG leader Isnilon Hapilon at mga kasamahan nito at sinasabing tumuloy sa bayan ng Sumisip na sinasabing kontrolado ng grupo.

Sa kabila nito ay kinumpirma ni Maturan na kritikal na ang lagay ng isa pang ASG leader na si Furuji Indama nang tamaan sa dibdib ng shrapnel buhat sa matinding opensiba ng Philippine Air Force.

Nakatutuok ang opensiba ng militar sa sinasabing kuta ng ASG na Al-Barka, Ungkaya Pukan at Tipo-Tipo. “The ASG continued to hold camps in these four hills.

Hapilon is holding camps in Punu Kawilan and Sikadir, Puruji Indama is holding camps at Punu Baguindan and Radzmil Janatul at Punu Likungan,” ani Maturan. (Nonoy E. Lacson)

comments