Home » News » News Roundup » New Roundup » Regional » ‘Bato’ tututok sa kaso ng 3 pulis na kinidnap

‘Bato’ tututok sa kaso ng 3 pulis na kinidnap

Tiniyak ni PNP Chief Director General Ronald dela Rosa na kanilang gagawin ang lahat para masagip ang tatlong pulis at isang sibilyan na dinukot ng mga pinaghihinalaang komunista sa bayan ng Malimono sa Surigao del Norte.

Kasalukuyang nasa kamay ng mga pinaghihinalaang rebeldeng New People’s Army (NPA) sina SPO3 Santiago Lamanilao, PO3 Jayroll Bagayas, PO2 Caleb Sinaca at Non-Uniformed Personnel Rodrigo Angob.

Umaasa si dela Rosa na ang ongoing peace talks sa mga rebelde ang magbibigay daan para makalaya ang mga biktima. “We don’t leave our people behind. We will do everything to take them back,” ani dela Rosa. (Aaron Recuenco)

comments