Home » Entertainment » Ex-beauty queen-turned TV personality, ayaw mag-train sa Q&A

Ex-beauty queen-turned TV personality, ayaw mag-train sa Q&A

Sino itong female television personality na ubod ng tigas ng ulo nung sya ay nagte-training pa lamang bilang beauty queen?

Matagal na rin ang kwentong ito pero sa tuwing nakikita sa TV si former beauty queen (which is napakadalas), hindi maiwasang balikan ng isang trainer ang mga pangyayari.

Dating kandidata sa isang prestihiyosong beauty pageant ang female personality na ito. May laban din naman sya kahit papaano – maganda, may poise at kahit papaano marunong magsalita.

Puspusan din naman ang kanyang training sa beauty pageant pagdating sa rampa, make-up at Q&A. Dumating ang grand coronation night at napasama lamang sya sa semi-finalists. Hindi nya naiuwi ang korona.

Tinanong ng isang reporter ang isang representative ng pamosong beauty camp ng kandidata kung bakit umuwi ng luhaan si TV personality kahit malakas ang laban nito. Sabi ng isang mentor, “hay naku, matigas ang ulo nya, ayaw nya mag-train sa Q&A. Yan ang napala nya, nga-nga! Pag oras nang training sa Q&A, sabihan ka ba naman na pagod na raw sya.

Last part kasi ng training nya ang Q&A.”

Lumipas ang ilang taon, lumabas na si former beauty queen sa mga commercial at ngayon ay kasama na sya sa isang sikat na programa sa telebisyon. Unti-unti na syang nakikilala.

Sabi nga ng ilang reporter, “I’m sure kinaiingitan na sya ngayon ng ilang kandidata na nakasama nya sa pageant, pati na rin mga beauty queen dahil narating nya ang isang tagumpay na hindi na achieve ng beauty queens natin which is ang magkaroon ng career sa telebisyon. Hindi nya destiny maging beauty queen….destiny pala nya ang maging television personality.”

comments