Home » News » News Roundup » New Roundup » Regional » Sumukong drug dependents abot 4,000 na sa Cavite

Sumukong drug dependents abot 4,000 na sa Cavite

CAMP GEN. PANTALEON GARCIA, IMUS, Cavite – Lampas 4,000 na mga drug dependents ang sumuko na sa probinsiyang ito sapul nang simulan ang “Oplan Tokhang” noong July 1.

Ayon sa Cavite Police Provincial Office (PPO), 4,289 na ang sumuko sa awtoridad at inaasahan pang tataas ito sa mga darating na araw.

Sa naturang bilang, 2,070 ang nanggaling sa isang distrito ng Bacoor. Kasama din sa bilang ng mga sumuko ang No.3 sa Top Drug Personality ng Noveleta na kinilalang si Jeffrey Lopez Rostrollo. (Anthony Giron)

comments