Home » News » News Roundup » New Roundup » Featured » Chopper trip to Tagaytay sorpresa ni Billy kay Coleen

Chopper trip to Tagaytay sorpresa ni Billy kay Coleen

Billy Crawford

BONGGA naman ng 2nd anniversary celebration nina Billy Crawford at Coleen Garcia as BF-GF (boyfriend-girlfriend) noong July 23. Umarkila pa si Billy ng chopper na sinakyan nila ni Coleen papuntang Tagaytay City. Para hindi sila ma-traffic, ayon kay Billy. Kuno’y nasorpresa naman si Coleen sa pag-effort ng kanyang boyfriend para sa celebration ng kanilang 2nd anniversary.

Hindi nakapunta si Billy sa presscon ng “That Thing Called Tanga Na” dahil nagkasakit siya at na-confine sa hospital.

Pero nagawan pa rin niya ng paraan para sorpresahin si Coleen sa kanilang anniversary.

Sayang at hindi nakarating si Billy sa presscon ng TTCTN. Naitanong sana sa kanya kung ano-anong katangahan ang ginawa at pwede niyang gawin nang dahil sa pag-ibig. Si Coleen na nga kaya ang kanyang one true love?

Anyway, isang closet gay na security guard ang role ni Billy sa TTCTN. Noong nagkasakit ang kanyang live-in partner ay inalagaan niya ito bilang isang dutiful “wife.” Sa kabila nu’n, hindi pa rin siya natanggap ng nanay ng kanyang partner noong namatay ito.

BFF ang peg?

Si Billy Crawford kaya ang peg ni Luis Manzano? Ten years older or so si Billy kay Coleen Garcia na 23 years old lang. Si Jessy Mendiola na bagong apple of the eye ni Luis ay 22 (or 23?) years old, samantalang 34 years old si Luis. Mag-BFF (best friends forever) nga sina Billy at Luis.

By the way, to the rescue na ang mommy dearest ni Luis na si Cong. Vilma Santos-Recto sa pambabatikos sa kanyang anak. Ayon sa actress-politician, hindi siya naniniwalang niloko ng anak niya si Angel Locsin. Hindi raw cheater si Luis. Mabuting tao ang anak niya, ayon pa kay Cong. Vi.

Sa isang interbyu, sinabi ni Luis na alam ng pamilya niya ang dahilan ng break-up nila ni Angel. Kaya siguro nagpahayag ang kanyang mommy Vi na hindi niya niloko ang kanyang ex-girlfriend. Ayon sa isang source, baka raw may nakitang mali o hindi nagustuhan si Luis kay Angel, kaya hiniwalayan niya ang aktres. Whatever, silang dalawa lang naman ang talagang nakakaalam ng dahilan.

NA

Mabuti nalang at hindi nagpadala sa sulsol ng kanyang fans si Jennylyn Mercado na mag-react sa post ni Patrick Garcia sa social media account nito. Inamin kasi ng wife niyang si Nikka Martinez sa isang blog entry na na-insecure ito noong una kay Jennylyn.

Sinagot ito ni Patrick sa kanyang social media account na wala itong (Nikka) dapat ika-insecure dahil she’s kinder, smarter, more loving, wiser, nicer, more gorgeous. “You are the best for me,” bahagi ng post ni Patrick.

Nag-react ang fans and supporters ni Jen dahil kahit hindi nagbanggit ng pangalan si Patrick, obvious daw na may pinatamaan siya. Ang dating sa mga nakabasa’y pinagkumpara ni Patrick sina Jen at Nikka. Pero NA (no reaction) lang si Jen. No talk, no intrigue.

Pwede naming sabihin na lang ni Patrick sa personal ang mga papuri niya sa kanyang wife, mas nakakakilig pa nga ’yun.

Naintriga pa tuloy nang i-post niya ’yun sa kanyang social media account.

Huhusgahan na

Opening day ngayon ng “How to Be Yours” at huhusgahan na ang tambalang Gerald Anderson at Bea Alonzo. Directed by Dan Villegas, maraming hugot lines sina Gerald at Bea na makaka-relate ang mga manonood ng kanilang first movie together.

On-and-off camera, they look good together. Bagay sina Gerald at Bea. May kilig factor at malakas ang kanilang screen chemistry, base sa trailer ng kanilang movie.

Common knowledge na nagkaroon sila ng short-lived romance. May mga hopia (hoping) na magkaroon sila ng second chance ngayong pareho silang single. We can never tell. Abang-abang nalang pag may time.

comments