Home » News » News Roundup » New Roundup » Regional » P16.6-M tulong sa magsasaka

P16.6-M tulong sa magsasaka

SAN FERNANDO, Pampanga – Namigay ang provincial government ng Pampanga ng R16.6 million na halaga ng farm equipment sa 87 farmers ng probinsiya noong Lunes.

Pinangunahan ni Vice-Governor Dennis G. Pineda ang pamimigay ng mga nasabing equipment na pinadaan naman sa Department of Agriculture.

Kabilang sa mga gamit pang-sakahan ay 49 shallow tube wells, 12 hand tractors na may trailers at implements, seven mini four wheel drive tractors, six rice reapers, six rice threshers, apat na pump irrigation system open surfaces, apat na rice transplanters at isang combine harvester.

Ayon kay Pineda, nais ng provincial government na matulungan ang mga magsasaka na magkaroon ng karagdagang kita gayundin ang paglago ng kanilang sinasaka.

“I hope we work together in all the programs of the governor and vice-governor even the national government will allot funds for the agricultural sector.

As you can see, all the equipment here have specific purpose that will be used for your irrigation and we will also work on your irrigation facilities.

On our end, we will work for the welfare of the farmers”, ani Pineda. Kabilang sa mga beneficiaries ay ang United Farmer Association ng Brgy. San Jose Matulid, Mexico na tumanggap ng combined harvester na nagkakahalaga ng P1.7 million.

“These equipment are for the (farmers) association, we chose you as recipients fairly and no fees to be imposed from you.

That’s why together with the governor we remove your counterpart to guarantee it will benefit the farmer’s association. Probably, your counterpart is to take good care of the equipment, secure and maintain them,” dagdag ni Pineda. (Franco G. Regala)

comments