Home » Entertainment » PH teen dance group named grand champion in int’l tilt

PH teen dance group named grand champion in int’l tilt

Junior New System

NANALO ang Filipino teen dance troupe na Junior New System sa katatapos lamang na World Championship of Performing Arts (WCOPA).

Ginanap ang WCOPA sa Long Beach, California noong nakaraang July 8 hanggang July 17.

Napanalunan ng Junior New System ang Dance Group of the Year at Grand Champion of the Year sa Senior category ng WCOPA.

Nag-post sa kanilang Facebook page ng pasasalamat ang Junior New System sa mga sumuporta sa kanila.

“Maraming, maraming salamat po sa inyong lahat! Sa walang sawang pagsuporta n’yo po sa amin at mga panalangin po ninyo, salamat po! Para sa inyong lahat po ito,” post ng grupo.

Nakilala noong 2015 ang Junior New System sa unang season ng “Asia’s Got Talent.”

Nakuha ng grupo ang Golden Buzzer at umabot sila sa grand finals kung saan ang nanalo ay ang Filipino shadow play group na El Gamma Penumbra.

Ang mga Pinoy na naging grand champions na sa Senior and Junior category ng WCOPA ay sina Jed Madela, Cercado Sisters, Reymond Sajor, Aria Clemente, Catherine Loria, Rhap Salazar, Rose Mamaclay, Joshua Pineda, Beverly Lumbes Caimen, Ianna de la Torre, The Gollayan Sisters, Lloyd Montebon at Y-Fi.

Ang World Championships of Performing Arts (WCOPA) ang nag-iisang international competition para sa mga best aspiring performing artists worldwide.

Sa Hollywood, California ito ginaganap annually at ang tawag nila rito ay “Olympics of the Performing Arts”.

Nagko-compete ang mga participant mula sa iba’t ibang parte ng mundo sa mga categories ng acting, singing, dancing, modeling, instrumentalists, and variety categories.

Founded by Griff O’Neil in 1996, nakapag-participate na ang higit na 70,000 applicants from 47 countries.

Ito pa ang ibang nanalo sa WCOPA 2016 winners:

Broadway – Silver Medalist (Second Overall) in the Category. Song – “Empty Chairs & Empty Tables” by Garth Garcia (“Les Miserables”)

Original Song/Works – Silver (Second Overall) in the Category.

Song – “Write a Song” by Garth Garcia (from debut album under Ivory Music)

Gospel – Garth Garcia – Bronze (Third Overall) in the Category.

Song – “Home” by Brian McKnight

Overall Grand Performer of the World – Junior New System

Angela Biando – Bronze Medallist and Gold for Group Production

Michelle Adriano – Silver for Broadway, Gold for Rock Category

Alisah Bonaobra – Multi-Medallist. (RUEL J. MENDOZA)

comments