Home » News » News Roundup » Rape suspect napatay ng pulis

Rape suspect napatay ng pulis

Nabaril at napatay ang isang hinihinalang rapist nang tangkain niyang agawin ang baril ng isang pulis sa loob ng police station sa Caloocan City, Lunes ng hapon.

Dead on arrival sa Caloocan City Medical Center si Mark Peralta, 24, dahil sa isang tama ng bala sa katawan. Ayon sa pulisya, nadakip ng mga alagad ng batas si Mark sa Barangay 35, Maypajo, Caloocan City.

Napag-alaman na wanted si Mark sa kasong panggagahasa na naganap sa Cagayan de Oro City nitong taong ito. Base sa police report, kasalukuyang tinatanong ng mga police officers si Mark nang bigla niyang agawin ang baril ng bagong pulis na si Romeo Paragas.

Habang nag-aagawan sa armas, pumailanlang ang limang putok ng baril. Ito ang nagtulak kay Police Officer 3 Wilson Peralta para barilin ng isang beses ang rape suspect. (Jel Santos)

comments