Home » Entertainment » Rocco denies money issue caused break-up with Lovi

Rocco denies money issue caused break-up with Lovi

Lovi and Rocco

INABOT din ng kalahating taon bago nagkaroon ng bagong teleserye ang Kapuso actor na si Rocco Nacino. Bago ang “Encantadia,” ang huling teleserye niya ay ang “Beautiful Strangers” noong 2015 pa.

Pero worth the wait naman daw dahil sa kanya binigay ang role na Aquil na unang ginampanan ni Alfred Vargas noong 2005.

“Right after ‘Beautiful Strangers,’ dumating na itong role as Aquil in ‘Encantadia.’ Nag-start na kaming mag-prepare noong January pa lang.

“Pero naging busy rin ako doing shows abroad. Nakasama ko si Alden Richards a few months ago sa Canada and the US.

“Pagbalik ko ay nagsimula na kaming mag-training for the show.

“Mahirap ’yung swordfight. Dapat tama ang kilos mo or else masasaktan ka. I got hurt many times during training.
Lahat naman kami black and blue.

“Pero it prepared us for the taping na mas madugo. Noong kunan na ang mga big scene, okey na kaming lahat.

Coordinated na ang mga fight scene namin,” kuwento pa ni Rocco.

Binuhos nga ni Rocco ang lahat ng energy niya sa ‘Encantadia’ para ma-divert ang attention niya mula sa failed relationship niya with Lovi Poe.

Inamin ni Rocco na masakit pa rin daw ang paghihiwalay nila dahil sobra raw niyang minahal si Lovi.

“Hindi madaling mag-move on kasi minahal ko siya talaga.

“But I am trying to move on. Gusto ko lang linawin na walang third party involved. Wala ring kinalaman ang pera tulad ng mga unang lumabas na tsismis.

“Wala kaming joint bank account ni Lovi. Bakit naman naming gagawin iyon, eh hindi pa naman kami kinasal?

“Natuwa lang ako when Lovi defended me. Kilala niya ako at alam niyang walang katotohanan iyon,” diin pa niya.

Kahit na nagtapos ang relasyon nila, nagpapasalamat si Rocco na marami siyang masasayang memories with Lovi.

“We had good memories. Marami kaming naging travels na kaming dalawa lang. We learned from one another.

“Siguro, we weren’t meant to be. Tanggap na naming iyon.

“I’m happy that she’s doing a teleserye with Tom Rodriguez now. I wish her the best parati.”

comments