Home » News » News Roundup » New Roundup » Regional » Businesswoman patay

Businesswoman patay

LOBO, Batangas – Patay ang isang businesswoman nang atakihin ito ng dalawang hindi kilalang suspek habang nagmamaneho ng kanyang motorsiklo sa national road ng Barangay Malapad na Parang, Martes ng umaga.

Kinilala ang biktima na si Ella B. Garcia, 46, balo, residente ng Sawang sa bayan ng Lobo, na nagtamo ng mga tama ng baril sa katawan at idineklarang patay bago pa man makarating ng ospital.

Dakong ika-11 ng umaga nang nagmamaneho ang biktima sakay ng Honda motorcycle papuntang Batangas City nang salakayin siya ng mga suspek.

Itinakbo ng mga pulis si Garcia sa ospital ngunit hindi na umabot dahil sa mga natamong pinsala. Narekober ng mga pulis ang tatlong fire cartridge mula sa hindi pa alam na caliber, at sinimulan na rin ang imbestigasyon tungkol sa sanhi ng pamamaril. (Danny Estacio)

comments