Home » News » News Roundup » New Roundup » Featured » Eric to Zsa Zsa: Follow your heart

Eric to Zsa Zsa: Follow your heart

Eric Quizon

KUNG sinabi ni Rocco Nacino sa presscon ng “Encantadia” na moving on pa rin siya sa break-up nila ni Lovi Poe at paminsan-minsan ay iniiyakan pa rin niya ’yun, mukhang totally naka-move on na ang aktres. Mukhang happy heart na naman si Lovi at mukhang may bago na siyang inspirasyon.

Sa post ng aktres sa kanyang social media account, may kasama siyang guy sa picture. Sabay silang nangangabayo sa isang dalampasigan. Chris Johnson ang naka-tag na name ng guy. Siya na kaya ang bagong nagpapasaya ng puso ni Lovi?

Wala na nga kayang second chance for her and Rocco? Still mending a broken heart pa rin ang binata and somehow, nakakatulong ang pag-busy-bisihan niya sa taping ng “Encantadia” where he plays Aquil. Kahit papaano’y naiibsan ang sakit na nararamdaman niya sa break-up nila ni Lovi.

Thankful si Rocco sa magandang pagtanggap ng viewers sa “Encantadia.” Aniya, nagsisilbing inspirasyon sa buong cast ang magagandang feedback na nakakarating sa kanila. Bukod sa bonggang set, production design, special effects at ganda ng costumes ng cast, ang bilis ng pacing nito. Kaabang-abang ang bawat episode.

Lumabas na kagabi ang mga sang’gre na sina Gabbi Garcia, Kylie Padilla, Sanya Lopez at Glaiza de Castro. Sa episode ngayong gabi, mamimili na si Ynang Reyna Mine-A (Marian Rivera) kung sino sa mga anak niya ang papalit sa kanya.

Magkakaroon ng pagsubok ang apat na sang’gre. Aaminin ni sang’gre Amihan (Kylie Padilla) na ayaw niyang maging reyna. Nais niyang magkaroon ng asawa’t pamilya.

Payo

Kahit wala na ang kanyang daddy Dolphy, nananatiling close sa isa’t isa sina Eric Quizon at dati niyang stepmother na si Zsa Zsa Padilla. Simply Zsa Zsa ang tawag ni Eric sa lovey dovey ng yumao niyang daddy Dolphy.

Noong nagkaproblema si Zsa Zsa sa ex-boyfriend niyang si Architect Conrad Onglao, ayon kay Eric, never niya itong tinanong kung ano’ng nangyari.

Kinausap lang daw niya ito tungkol sa estate ng kanyang daddy. Nirerespeto niya ang desisyon ni Zsa Zsa. Ani Eric, ang maipapayo lang niya kay Zsa Zsa ay sundin ang puso nito kung ano sa palagay nito ang dapat gawin.

Samantala, balik-akting si Eric sa “That Thing Called Tanga Na” kung saan isang rich gay lawyer ang kanyang role.

Pahinga muna siya sa pagdidirek habang naghihintay ng magandang offer. May trabaho rin siya sa Hong Kong, kaya pabalik-balik siya roon at sa Pilipinas. Kapag may offer siya sa Pilipinas, bumabalik siya. Showing sa Aug. 10 ang TTCTN sa mga sinehan nationwide.

Inggit

Inggit-inggitan si Katrina Halili kay Yasmien Kurdi na ka-batchmate niya sa “Starstruck 1.” Happily married kasi si Yasmien sa non-showbiz husband niyang si Rey Soldevilla, pilot sa isang airline company. May 3-year old daughter sila named Ayesha.

May 4-year old daughter naman si Katrina sa ex-boyfriend niyang si Kris Lawrence. Since they broke-up, wala pang naging boyfriend si Katrina.

Sabi ni Yasmien, maraming kaibigang pilot ang kanyang asawa na naghahanap ng girlfriend. Gusto niyang ireto si Katrina kung type nito.

Ang ex-boyfriend ni Katrina ay may girlfriend na, isang nurse na nagtatrabaho sa isang hospital. Sabi ni Katrina, siya ang na-fall out of love, kaya nakipag-break siya kay Kris. No more second chance talaga.

Natupad kaya?

Nangako na naman si Willie Revillame on national TV na sagot niya ang airfare at hotel ni Buboy Villar and his fiancee na si Angllyn Gornes papuntang United States. Magpapakasal doon next year ang engaged couple na parehong 18 years old pa lang.

Hindi kilala ni Willie si Buboy at natuwa lang siya sa dating child star noong nag-guest ito sa “Wowowin” para mag-promote ng “Encantadia” kung saan bahagi si Buboy. Hayun, pinangakuan ni Willie si Buboy.

Gano’n din ang ginawa ni Willie noong nag-guest sa kanyang show si Jeyrick Sigmaton, a.k.a. Carrot Man. Pinangakuan niyang pag-aaralin niya ito. Just curious, natupad kaya ’yun? Nag-aaral na kaya si Carrot Man sa Mountain Province kung saan tagaroon siya? O, nagbubuhat pa rin kaya siya ng kaeng-kaeng na carrots?

comments