Home » Sports » Makamayan man lang si Digong

Makamayan man lang si Digong

Asam ni Gretchen Abaniel na makamayan at maipakita kay Pangulong Rodrigo Duterte ang kanyang tatlong hawak na korona, kabilang ang pinakahuli nitong napagwagian na Women’s International Boxing Association (WIBA) world minimumweight title kamakailan sa New South Wales, Australia.

Ang dating national team member na si Abaniel ay kinolekta ang kanyang ikatlong korona matapos na itala ang 10-round unanimous decision kontra Saowaluk Nareepangsri ng Thailand.

“Sana po ay mabigyan ako ng pagkakataon na makaharap ang Pangulong Duterte,” ani Abaniel. “Makamayan ko man lang siya.” (Angie Oredo)

comments