Home » News » News Roundup » Holdaper ng bus utas sa Pasay

Holdaper ng bus utas sa Pasay

Patay sa mga pulis ang isa sa tatlong lalaking nangholdap umano ng bus sa Pasay City kahapon. Ayon kay Supt. Jenny Tecson, tagapagsalita ng Southern Police District, sumakay ang mga suspek na armado ng mga baril at granada sa Metrolane Bus na may biyaheng Valenzuela-NAIA sa kanto ng Buendia at FB Harrison St. at nagdeklara ng holdap.

Nilimas ng mga suspek ang mga ari-arian ng mga pasahero at bumaba sa Leveriza St. Kaagad na inalerto ng mga pasahero ang mga pulis na nagresulta sa isang barilan kung saan namatay ang isa sa mga suspek. Nakatakas ang dalawa niyang mga kasama.

Narekober sa namatay na suspek ang isang baril, granada, at ilang ari-arian ng mga pasahero. Nakilala ng mga biktima ang dalawang mga suspek ng makita ang kanilang mga litrato sa police station. (Jean Fernando and Martin Sadongdong)

comments