Home » News » Headlines » Sirang karne, luxury vehicles nasamsam

Sirang karne, luxury vehicles nasamsam

Nasamsam ng Bureau of Customs ang limang container vans ng luxury vehicles at sirang karne sa Mindanao Container Terminal sa Tagoloan, Misamis Oriental kamakailan.

Ayon sa ulat ng BoC Northern Mindanao, mga damit, beddings, at footwear galing Korea na nagkakahalaga ng P5 million ay natagpuan sa dalawang container vans.

Panis na karne mula France at Netherlands na nagkakahalaga ng P10 million ang natagpuan sa dalawa pa.

Samantala, tatlong classic Mercedes Benz at Porsche mula sa United States na nagkakahalaga ng P4 million ang nakita sa ikalimang container van.

Ayon sa BoC, magkakahiwalay na dumating ang mga kargamento noong Hunyo at mga may ari nito ay nakabase sa Metro Manila.

Sinabi ng BoC na walang kaukulang papeles ang mga kargamento. (Argyll Cyrus B. Geducos)

comments