Home » News » News Roundup » New Roundup » Featured » Dahil kontra ang AlDub fans, Alden-Jen teamup di na tuloy

Dahil kontra ang AlDub fans, Alden-Jen teamup di na tuloy

30Alden Richards copy copy

DAHIL sa violent reaction ng AlDub fans nina Alden Richards at Maine Mendoza sa napabalitang pagtatambal nina Alden at Jennylyn Mercado sa “My Love from the Star,” did we hear it right na hindi na ’yun itutuloy ng GMA7? Tutol ang fans nina Alden at Maine na diumano’y nagbantang ibo-boycott nila ang teleserye kapag itinuloy ang pagtatambal nina Alden at Jennylyn.

How true na magkaibang project na lang ang ibibigay kina Alden at Jen? Sa thanksgiving party ni Alden para sa entertainment press, sinabi niyang inaayos ng creative team ang isang teleseryeng pagsasamahan nila ni Maine, hopefully before the year ends.

Sa kabila ng pagiging mabait at mabuting tao ni Alden, may bashers at haters pa rin siya. Aniya, hindi talaga maiiwasan ’yun. “Noong una, medyo nahihirapan ako. Pero kalaunan ay nasanay na rin ako. Akala nila, kilalang-kilala nila ako. Hindi ko naman kawalan kung anuman ang sinasabi nila against me. At the end of the day, ’yung mga taong mahal ko at mahal ako ang tunay na nakakakilala sa akin, “maigting na sabi ng Pambansang Bae at Kapuso heartthrob.

Gustong ligawan?

Sayang at hindi nahingan ng reaction si Alden Richards sa tsikang diumano’y type ligawan si Maine ng anak nina Vic Sotto at Coney Reyes na si Vico. Nanalo itong councillor sa first district ng Pasig City. Isang lawyer si Vico na dating nagtrabaho sa PAO (Public Attorneys Office).

Base sa ulat na lumabas sa isang tabloid online site, diumano’y nagpaalam pa si Vico sa kanyang daddy at mommy na liligawan niya si Maine. But then, agad namang itinanggi ’yun ni Vico sa kanyang social media account. Ang post niya, wala namang isyu. Gawa-gawa lang daw ’yun ng mga taong walang isyu para magkaroon ng isyu. So, there!

Wala namang masama sakaling gustuhin ni Vico ligawan si Maine. Wala naming inaamin sina Alden at Maine na officially together sila. Na-link din noon si Maine kay Derrick Monasterio. Na-bash siya ng ilang netizens na kesyo gusto lang niya (Derrick) makisakay sa popularity ni Maine at mapag-usapan siya.

Online concert series

May online concert series ang GMANetwork.com na “Playlist.” Every Wednesday, iba’t ibang Kapuso celebrities ang nag-a-upload ng mga bagong video nila. Si Gabbi Garcia ang nag-buwena-mano at kinanta niya ang “Pag-ibig” ng Spongecola.

Aniya, sobrang feel niya ang kanta na bagay raw sa role niya bilang sang’gre Alena sa “Encantadia.” Good vibes ang song na masarap pakinggan kapag in love ka.

Si Ruru Madrid ang love interest ni Gabbi sa “Encantadia” na gumaganap bilang Ybarro.

Sabi ni Ruru, positive siyang magiging real-life partners din sila. Ang tagal na niyang naghihintay kay Gabbi at mahe-hurt siya kapag ibang lalaki ang sinagot nito. Mag-e-eighteen years old na si Gabbi sa December this year at pwede na niyang ligawan ito.

By the way, may show ngayong Sabado sa Convention and Events Center ng KCC mall sa General Santos City sina Gabbi at Ruru. Kasama nila ang co-stars nila sa “Encantadia” na sina Kylie Padilla, Sanya Lopez, Glaiza de Castro at Rocco Nacino. The show starts at 5 p.m.

Agaw-eksena

Agaw-eksena si Kim Domingo nang rumampa siya sa 2016 FHM’s 100 Sexiest Stars event. Revealing ang kanyang outfit na ayon sa mga nanood, mas nagmukha pa siyang Number One sa listahan ng 100 Sexiest Stars ng naturang glossy magazine.

Number 9 si Kim. Last year ay wala siya sa Top 100 Sexiest.

Oozing with sex appeal si Kim at ang lakas ng karisma sa male audience, ayon pa sa mga nanood ng event.

Rumampa rin si Marian Rivera na pinarangalan bilang unang Hall of Fame awardee ng FHM. Tatlong beses siyang nag-Number 1 sa 100 Sexiest List. Kahit ballot na balot sa kanyang outfit, ang lakas pa rin ng palakpak sa Kapuso actress.

Ang iba pang Kapuso stars na rumampa sa victory party ng FHM ay sina Sam Pinto, Max Collins at Rhian Ramos. No show si Jennylyn Mercado na Number 2 sa listahan ng 100 Sexiest Stars ngayong 2016.

comments