Home » News » News Roundup » Pulis natagpuang patay

Pulis natagpuang patay

Isang bagong pulis na umano’y sangkot sa pagbebenta ng illegal drugs ang natagpuang patay sa isang madamong lugar sa Caloocan City kahapon ng umaga.

Kinilala ng pulisya ang biktima na si Police Officer 1 Ferdinand Allen Jaravata, nakatalaga sa Eastern Police District (EPD).

Natagpuan ang bangkay ni Jaravata sa isang bakanteng lote sa Barangay 175, Caloocan, bandang 6 a.m. Nakuha sa bulsa ng kanyang damit ang isang plastic sachet na naglalaman ng shabu.

Base sa police report, may mga tama ng bala sa ulo at leeg ng biktima. Nakabalot ng plastic foil at nakatali ng nylon ang ulo ng biktima nang matagpuan, ayon sa mga imbestigador. (Jel Santos)

comments