Home » Entertainment » Alden clears block screening controversy

Alden clears block screening controversy

NAGPALIWANAG si Alden Richards sa lumabas na intriga tungkol sa umano’y overpricing sa ginagawang block screenings ng fans niya para sa movie nila ni Maine Mendoza na “Imagine You and Me.”

“Well, the purpose po talaga ng block screening is for the fans to really see the movie exclusively po. Hindi lang naman po Aldenatics ang nag-organize ng block screenings, pero a lot of fans club din po. And since it was shown po, I made an effort to visit every single block screening po na kaya naman pong daanan.

“When it comes naman po to the price… I was informed po about that because it was going to charities po. The only thing po siguro kaya medyo nasilip siya na medyo overpriced is hindi po nasabi na sa charity po talaga mapupunta ’yung kinita po ng mga block screenings. And I really don’t receive anything from any of that,” paglilinaw ni Alden.

Sinagot din niya ang isyung diumano’y nagpapabayad siya ng talent fee para lang ma-meet in person. “Alam n’yo naman po iyan na hindi po kailangang mayaman o mahirap, may pera o wala para ma-meet ako. So, siguro po may mga miscommunication lang po na nangyari before.”

Sa kabila ng mga intriga, nagpapasalamat lang si Alden sa sunud-sunod na blessings niya ngayong taon na kinabibilangan ng blockbuster hit movie nila ni Maine Mendoza, ang pagtanggap ng 7x Platinum award ng album niyang “Wish I May,” ang libro niyang “Alden Richards: In My Own Words,” at ang mas dumaraming product endorsements niya.

Tuloy pa rin ang paglabas niya sa “Eat Bulaga” at sa “Sunday Pinasaya.”

Ano pa ang mga plano para sa love team nila ni Maine? “After the movie po meron pong plano. Pero I really can’t say much kung ano po ’yung magiging projects namin, pero it’s gonna be a surprise po. But hopefully po before the year ends meron na po tayong balita. Pero so far po going strong pa rin po ’yung AlDub.”

May posibilidad ba na gumawa sila ni Maine ng soap sa GMA-7? “Meron po. Parang it’s in the works po.”
(GLEN P. SIBONGA)

comments