Home » News » News Roundup » Bebot tinodas ng ex; sinaksak ng 13 beses

Bebot tinodas ng ex; sinaksak ng 13 beses

Patay ang isang babae pagkatapos saksakin umano ng kanyang dating kinakasama ng 13 beses sa Tondo, Manila noong Biyernes.

Kinilala ng mga pulis ang biktima na si Rizza Chua, 27. Ayon sa imbestigasyon, nagtatalo ang biktima at ang suspek na nakilala lamang sa pangalang Resie Sese, 30, ng biglang bumunot ng patalim si Sese at sinaksak si Chua.

Tumakas ang suspek at dumating ang isang barangay tanod at dinala sa ospital ang biktima kung saan siya namatay dahil sa 13 saksak na tinamo niya.

Pinuntahan ng mga pulis ang suspek sa kanyang bahay pero wala siya doon. Natagpuan sa bahay ng biktima ang isang patalim na may habang 13 pulgada na hinihinalang ginamit sa pagpatay kay Chua.

Dinala ang bangkay ng biktima sa St. Mark Funeral Homes sa Manila. (Jaimie Rose R. Aberia)

comments