Home » News » News Roundup » Holdaper patay sa QC

Holdaper patay sa QC

Patay ang isang hinihinalang holdaper sa mga nakaengkuwentrong pulis kahapon sa Quezon City. Ayon sa Quezon City Police District, naghihintay ang biktimang si Annabell Arieta, call center agent, residente ng Barangay Tatalon, Quezon City, ng masasakyan pauwi sa Quezon Ave. nang lumapit sa kanya ang suspek at nagdeklara ng holdap gamit ang isang baril.

Tinangay ng suspek ang mga ari-arian ng biktima at tumakas. Humingi ng tulong ang biktima sa mga pulis at hinabol ang suspek na nakita sa NIA Road sa Barangay Pinyahan.

Pinaputukan ng suspek ang mga pulis na gumanti ng putok at namatay ang suspek. Dinala ang bangkay sa Pacheco Funeral Homes sa Quezon City. (Vanne Elaine P. Terrazola)

comments