Home » News » News Roundup » P50-M shabu nasabat; 3 drug pusher natiklo

P50-M shabu nasabat; 3 drug pusher natiklo

Nasabat ng mga otoridad ang tinatayang walong kilo ng shabu na nagkakahalaga ng P50 million sa tatlong hinihinalang drug pusher sa dalawang buy-bust operation sa Pasig City at Taguig City kamakailan.

Kinilala ng mga pulis ang mga suspek na sina Saadodin Badron, Sukarno Bansil, at Mahatir Malaco. Unang naaresto si Badron sa Amang Rodriguez Ave., Pasig City, pagkatapos ng isang linggong surveillance operation.

Papalit-palit ng lugar kung saan gaganapin ang bentahan bago naaresto ang suspek. Nasamsam kay Badron ang pitong kilo ng hinihihinalang shabu. Samantala, naaresto sina Bansil at Malaco sa C5 Road, Taguig City.

Nasabat sa dalawa ang isang kilo ng shabu, isang baril, at kanilang sasakyan. Ayon sa mga pulis, big time drug pusher ang mga suspek sa silangang bahagi ng Metro Manila at karatig lugar. (Francis T. Wakefield and Jenny F. Manongdo)

comments