Home » News » News Roundup » New Roundup » Featured » Pole dancing bagong kinahihiligan ni Sarah

Pole dancing bagong kinahihiligan ni Sarah

Sarah and Matteo

KUNG umarkila ng chopper si Billy Crawford na sinakyan nila ni Coleen Garcia papuntang Tagaytay noong i-celebrate nila ang kanilang second anniversary as boyfriend-girlfriend, iba naman ang trip ni Matteo Guidicelli para sa girlfriend niyang si Sarah Geronimo.

Nag-hiking sila sa Mt. Pico de Loro sa Nasugbu, Batangas na pwedeng isiping birthday treat ni Matteo kay Sarah na nag-birthday noong July 25. Twenty-eight years old na si Sarah.

May mga kasama sila sa hiking trip nilang ’yun. Naglabasan sa social media ang ilang pictures nina Matteo at Sarah na sweet-sweetan. Mukhang sinusulit talaga ni Sarah ang kanyang bakasyon. Dito na lang siya sa Pilipinas at hindi na niya itinuloy ang unang planong bakasyon abroad. Dahil kaya ayaw niyang ma-miss si Matteo?

Nag-aaral din si Sarah ng culinary arts at nagpo-pole dancing din siya. False alarm ang tsikang buntis siya, kaya nagplano siyang magbakasyon abroad. Hindi siya aakyat ng bundok at magpo-pole dancing kung nasa interesting stage siya, di ba naman?

Birthday girl

Birthday ngayon ni Barbie Forteza at 19 years old na siya. Nang nakausap namin siya a few weeks ago sa launching ng Yes! 100 Most Beautiful Stars for 2016, sinabi niyang wala siyang bonggang celebration. Magdi-dinner lang daw sila ng Kapuso friends niyang nakasama niya sa defunct youth-oriented show, “Tweenhearts.” Among them are Bea Binene, Joyce Ching, Louise de los Reyes, Kristoffer Martin, Derrick Monasterio, Jake Vargas, Hiro Magalona.

Naging close friends sila ni Barbie. Bahagi rin ng “Tweenhearts” sina Kim Rodriguez at Kiko Estrada na boyfriend ngayon ni Barbie. Si Kim ang ex-girlfriend ni Kiko.

Bukas naman (Aug. 1) ang 21st birthday ni Derrick Monasterio. Aniya, wala siyang bonggang celebration at simple dinner lang with his family ang gusto niya. Wala raw siyang love life at very much single siya. Owwss???

Ang babaw

Marami ang nabababawan sa dahilan ng hiwalayan nina Jason Francisco at Melai Cantiveros. Pagselosan ba naman ni Jason si Carlo Aquino na nakatrabaho ni Melai sa isang afternoon series? Hello!!!

Sa post ni Jason sa ginamit niyang social media account ng anak nilang si Amelia, ayaw niyang may ibang lalaking hahawak kay Melai. Reaction ng mga nakabasa, pang-Miss Universe raw ba ang beauty ni Melai at ganoon na lang ka-seloso si Jason?

Sa pagkaalam namin, may non-showbiz girlfriend si Carlo. Hindi lang kami sure kung sila pa rin hanggang ngayon o baka may iba nang GF si Carlo. Just curious, ano kaya’ng reaction ni Carlo na pinagselosan siya ni Jason?

Si Heart Evangelista nga, give na give sa kissing scenes nila ni Dennis Trillo sa kanilang GMA primetime series.

Tuwang-tuwa pang nanonood nito ang husband niyang si Senator Chiz Escudero. Walang selos factor.

Si Toni Gonzaga, sweet-sweetan din sila ni John Lloyd Cruz bilang mag-asawa sa kanilang show sa ABS-CBN. NR (no reaction) at walang selos factor ang husband niyang si direk Paul Soriano. Ay, naku!

Utang na loob

Bongit ang tawag ni Manay Ichu Vera-Perez-Maceda kay Senator Bongbong Marcos. Naikuwento niya sa in-organize niyang thanksgiving party ni Sen. BBM para sa entertainment press ang nagging buhay ng pamilya Marcos sa Hawaii matapos patalsikin ang mga ito sa Pilipinas dahil sa people power noong dekada 80.

Nagprisintang secretary si Manay Ichu ni former President Ferdinand Marcos noong nakasama niya ang pamilya nito sa Hawaii. Ayon kay Manay Ichu, maraming mga Pinoy roong kababayan ng pamilya Marcos ang kusang-loob na nagbigay ng tulong. May mga nagbigay ng pagkain, damit at pera.

Sinabihan daw siya ni former President Marcos na ilista lahat ng pangalan ng mga nagbibigay ng tulong. Isa-isang sinulatan at pinasalamatan nito ang mga ’yun, ayon kay Manay Ichu.

Ayon naman kay Sen. BBM, ipinangako niya sa kanyang sarili na kapag nakabalik sila sa Pilipinas ay ibabalik niya ang mga tulong na naibigay sa kanilang pamilya. Aniya, hinding-hindi niya makakalimutan ang malaking utang na loob ng kanilang pamilya sa mga taong nakaramay nila at sumuporta noong mga panahong ’yun.

Aniya pa, kaya siya pumasok sa pulitika ay para makatulong sa mga mamamayang Pilipinong patuloy na nagtitiwala at sumusuporta sa kanilang pamilya.

“Ganyan ang pamilyang Marcos, marunong silang tumanaw ng utang na loob,” wika ni Manay Ichu.

comments