Home » Entertainment » Vaness finds new love

Vaness finds new love

VANESS del Moral

IN love na ulit ang Kapuso actress na si Vaness del Moral.

Pagkatapos ng kanyang failed relationship sa actor na si Biboy Ramirez in 2013, matagal bago muling nakahanap ng bagong mamahalin si Vaness.

At natagpuan niya ito sa kanyang matagal nang kababata from Baguio City na si Matt Kier. Almost two years na raw ang relasyon nila.

“Ito na ang masasabi kong happiest relationship ko.

“Masasabi ko na I am lucky to have this person in my life. Sana ay lucky rin siya to have me in his.

“Before, gusto ko pa siyang itago. Kasi it was a new relationship at hindi nga siya showbiz. Ayokong magulat nalang siya with all the questions about me etc, etc.

“Eventually, we made it public. Kasi matagal na rin kaming magkakilala bago naging kami. So pinost ko na ang mga photos namin together.

“Proud ako sa kanya. Simpleng tao lang at alam kong totoo ang feelings niya para sa akin.

“Kapag tinatanong ako kung boyfriend ko ba ’yung nasa Instagram ko, lagi kong sagot, ‘Alam n’yo na ’yon!’” tawa pa niya.

Bago nga raw dumating si Matt sa buhay niya, almost a year daw na hindi nakipag-date si Vaness. Sobra raw siyang nasaktan sa huling karelasyon niya na umabot ng apat na taon.

“Sa mga nakakakilala sa akin talaga, kapag nagmahal ako, todo iyon.

“Kaya noong maghiwalay kami ni Biboy, sobra akong na-depress.

“It took a long time bago ako maka-move on. Kasi that was my longest relationship. Four years din iyon.

“You just don’t say na it’s over at move on ka na agad. Hindi gano’ng kadali iyon.

“It really took some time before I was able to convince myself na okey na ako at ready na akong makipag-date ulit.

“Noong okey na talaga ako, doon na dumating ang isang taong nagpangiti ulit sa akin.

“Nakakagulat lang ay ang taong ito ay kilala mo na noon pa, pero hindi mo alam na kayo rin pala ang magtatagpo baling araw. I think ang tawag doon ay destiny!” ngiti pa ni Vaness.

Kabilang si Vaness sa big cast ng GMA telefantasya na “Encantadia” at ginagampanan niya ang papel bilang si Gurna. (Ruel J. Mendoza)

comments