Home » News » News Roundup » Kolektor ng pautang tinodas

Kolektor ng pautang tinodas

Patay ang isang empleyado ng isang money lending company pagkatapos holdapin habang nangongolekta ng pautang sa isang kliyente noong Sabado sa Quezon City.

Kinilala ng Quezon City Police District-Criminal Investigation and Detection Unit ang biktima na si Pabeo Omongos Jr., empleyado ng JR and A Lending Inc. at residente ng Barangay San Bartolome, Quezon City.

Ayon sa mga pulis, nangongolekta ng pautang ang biktima sa isang kliyente sa Barangay Talipapa nang dumating ang dalawang lalaking sakay ng motorsiklo.

Bumaba ang isa sa kanila at pilit inagaw ang sling bag ng biktima na naglalaman ng kanyang koleksyon. Nanlaban ang biktima pero bumunot ng baril ang suspek at pinaputukan si Omongos ng ilang beses na agad nitong ikinamatay.

Nakuha ng mga suspek ang sling bag at tumakas. Dinala ang katawan ng biktima sa Pacheco Funeral Homes upang suriin. (Francis T. Wakefield)

comments