Home » Entertainment » Melai decided to hold on to relationship with Jason

Melai decided to hold on to relationship with Jason

PINIPILIT magpakatatag ni Melai Cantiveros sa kabila ng pagputok ng balita na hiwalay na sila ng asawang si Jason Francisco. Ayaw pa rin niyang i-give up ang relasyon nilang mag-asawa.

Ito ang nais ipahiwatig ni Melai sa maikling pahayag niya sa July 29 episode ng ABS-CBN morning talk show na “Magandang Buhay,” kung saan isa siya sa mga host kasama sina Karla Estrada at Jolina Magdangal.

“Yung greatest love ko ay yung destiny ko. At saka yung destiny ko yun ang asawa ko, di ba? So kahit anumang problema ang dumating… Kahit anong problema ang dumating paglalabanan iyan kasi siya ang forever ko e. Because ang forever is a choice, and I chose my forever,” emosyonal pero makahulugang sabi ni Melai.

Nagpahayag naman si Karla ng pagsuporta sa co-host at kaibigan. “Kami kay Melai, bilang kaibigan, kahit anong maging desisyon niyan para kami sa kaligayahan niya. So, Melai, wala kaming ibang dasal kundi maging maganda at matupad iyang forever mo habambuhay hanggang pagtanda natin, okay.” (GLEN P. SIBONGA)

comments