Home » News » News Roundup » Pusher patay sa mga pulis

Pusher patay sa mga pulis

Patay ang isang hinihinalang drug pusher nang manlaban sa mga pulis sa Barangay 188, Caloocan City noong Sabado ng gabi.

Kinilala ng Caloocan police ang biktima na si Bong Oro, 43, residente ng 4th Ave. sa Barangay 188. Kabilang umano si Ong sa listahan ng mga drug personalities sa naturang barangay na isinumite sa Caloocan city government.

Pinuntahan ng mga pulis ang suspect sa kaniyang bahay upang pasukuin pero siya ay bumunot ng baril at pinaputukan ang mga otoridad habang sila ay papalapit.

Gumanti ng putok ang mga pulis at napatay ang suspek. Narekober sa suspek ang isang baril at dalawang sachet ng hinihinalang shabu. Inabisuhan ng mga opisyal ng barangay ang suspect na sumuko pero tumanggi umano siya.
(Jel Santos)

comments