Home » News » News Roundup » New Roundup » Regional » Buhawi tumama sa Batac

Buhawi tumama sa Batac

BATAC CITY, Ilocos Norte – Tatlong kabahayan ang nasira matapos tamaan ng buhawi sa Barangay Colo at Tabug Linggo ng hapon. Ang nasabing buhawi ay tumama sa naturang lugar isang oras lamang bago naman humagupit si bagyong ‘Carina’.

Kabi-lang sa mga tinamaan ng buhawi ay ang library ng state-owned Mariano Marcos State University (MMSU). Ayon kay Arvin Francis Lumang, city disaster risk reduction and management officer ng Batac City, dalawang pamilya na kinabibilangan ng labing-isa katao ang naapektuhan sa Brgy. Colo habang isang pamilya na may pitong katao ang nadamay sa Brgy. Tabug.

Agad naman na binigyan ng ayuda ang mga apektadong pamilya buhat sa city government. Sinasabing pansamantalang nanirahan muna ang mga nasalanta sa kani-kanilang mga kamag-anak. (Freddie G. Lazaro)

comments