Home » News » News Roundup » New Roundup » Regional » DTI-Quezon humakot ng award

DTI-Quezon humakot ng award

LUCENA CITY, Quezon – Isang empleyado ng Department of Trade and Industry (DTI) sa probinsiya ng Quezon ang ginawaran bilang Huwarang DTI 2015 Best Employee of the Year.

Ibinigay kay Anna Marie V. Quincina, Planning Officer ng DTI-Quezon ang nasabing parangal dahil sa ipinakita nitong trabaho base sa creativity, loyalty, continuous learning and growth, professionalism, integrity, conscientiousness, at resourcefulness.

Samantala nakopo naman ni DTI-region IV-A regional director Marilou Q. Toledo ang Executive of the Year award. (Danny J. Estacio)

comments