Home » News » News Roundup » Lalaking may shabu binaril

Lalaking may shabu binaril

Patay ang isang lalaking may dala-dalang shabu at marijuana nang pagbabarilin ng apat na lalaking nakamotorsiklo habang siya’y naglalakad pauwi sa Caloocan City bandang 2 p.m. noong Linggo.

Ayon sa pulisya nakamaskara ang mga pumatay kay Ronald Guia, 30, residente ng Barangay 181, Caloocan City. Nagtamo siya ng maraming tama ng bala sa leeg.

Base sa police report, nakuha sa katawan ni Guia ang anim na pakete ng shabu at tatlong pakete ng marijuana leaves.

Natagpuan din sa pinangyarihan ng krime ang siyam na basyo ng bala ng .45-caliber pistol. Sinabi ng police na wala sa kanilang listahan ng drug personalities ang pangalang Guia, ngunit maaaring sangkot din ang biktima sa illegal drug trade dahil sa mga nakuha sa kanyang bawal na gamot. (Jel Santos)

comments