Home » Entertainment » Rafael makes video for ‘Sinungaling’ followers

Rafael makes video for ‘Sinungaling’ followers

2Rafael Rosell  copy

HINDI maikakailang talagang tinutukan at inabangan ang naging simula ng pinakabagong GMA Afternoon Prime series na “Sinungaling Mong Puso.”

Talagang mainit ang nagging usapan sa social media tungkol sa TV remake na ito. Sa katunayan, hindi ito nawala sa top 10 trending topics ng Twitter Philippines sa buong pilot week nito.

At bilang pasasalamat, naghanda ang isa sa mga lead stars nito na si Rafael Rosell ng isang maikling thank you video para sa mga sumubaybay sa kanilang drama. Ipinakita rin ni Rafael sa video ang ilan sa kanilang behind-the-scenes pangyayari.

Huwag palampasin ang nakakapanabik na istorya ng “Sinungaling Mong Puso” mula Lunes hanggang Biyernes pagkatapos ng “Magkaibang Mundo” sa GMA Afternoon Prime.

comments