Home » News » News Roundup » New Roundup » Regional » Rider patay sa pagsalpok sa van

Rider patay sa pagsalpok sa van

TRECE MARTIRES, Cavite – Patay ang isang lalaki habang sugatan ang kasama nito nang magkaroon ng head-on collision ang motor nito sa isang van sa Trece Martires-Indang Road, sa Barangay Inocencio kahapon.

Kinilala ni case investigator SPO2 Jose S. Mangmang Jr. Ang nasawi na si Rolly Costibolo Bagon, residente ng General Mariano Alvarez (GMA) sa Cavite habang sugatan ang kasama nito na si Michael Cabigquis Tacbobo ng Barangay San Agustin sa Trece Martires.

Dead on arrival si Bagon matapos sumalpok ang Mio Sporty motorcycle (NA 86335) sa isang Mitsubishi L-300 De Luxe van (TOT 680). (Anthony Giron)

comments