Home » News » News Roundup » New Roundup » Regional » 2 Koreano nilooban

2 Koreano nilooban

BATANGAS CITY, Batangas – Natangay ang mahigit P250,000 na mga electronic gadgets at salapi nang pasukin ang tahanan ng dalawang Korean nationals Lunes ng gabi sa Heights subdivision, Barangay San Antonio.

Kinilala ang mga biktima na sina Hong Jung Su, 37 anyos, at si Park Jong Kyu, 36 anyos na parehong administrative managers ng Global Woojin Inc. at CPIP complex, na matatagpuan sa Batino, Calamba City, Laguna.

Ayon sa mga biktima, pinasok ng mga salarin ang kanilang tahanan bandang alas-dose ng gabi kung saan dumaan ang mga ito sa likod ng kanilang lugar.

Sinasabing sira ang kandado ng pintuan sa likod ng kanilang tahanan. Nakulimbat ng mga salarin ang Samsung Laptop na nagkakahalaga ng P80,000, Samsung Galaxy Note (P40,000) at cash money na aabot ng P48,750 buhat kay Su.

Nawalan naman si Kyu ng HP Laptop worth (P60,000) at Galaxy Edge cellphone (P30,000). (Danny J. Estacio)

comments