Home » News » News Roundup » New Roundup » Regional » Baby kidnapper, makakalaya

Baby kidnapper, makakalaya

CEBU CITY – Iniutos na ng korte ang pagpapalaya sa isang call center na tumangay sa isang bagong silang na bata matapos magpanggap na isang nurse sa isang government hospital.

Ayon kay Regional Trial Court (RTC) Judge Ester Veloso, kanilang ipinag-utos ang pagpapalaya sa suspek na si Melissa Londres na nahaharap sana sa kasong kidnapping at illegal detention.

Ito’y dahil hindi na sumisipot ang complainant maging ang mga umarestong pulis sa mga nakaraang court hearings.

Isinampa ng Criminal Investigation and Detection Group (CIDG) 7 ang kaso laban kay Londres na umamin naman sa ginawang krimen sa Vicente Sotto Memorial Medical Center. (Mars Mosqueda, Jr.)

comments